Almost Done!!!

Yes! I’ve just finished one of the two remaining tracks! This is track #7 of the album. When I was mixing this two days ago, there was something off about it that I couldn’t put my finger on. Finally this morning, I pushed the tempo up by 10 bpm. And what do you know? That was the thing! It was a tad bit too slow. So, here it is. The title is the link, and the lyrics are below!

Log Two Log Who

Bakit tuloy-tuloy ka pang  nahuhulog

‘Di ba’t matagal ka nang  tumama sa lupa

Bakit hanggang ngayon ika’y natutulog

‘Di ba’t kanina pa nariyan ang umaga

Gising gising

Dapat mo nang pigilan ang iyong pagbagsak

Gising gising

Hanggang kailan alipin ng pagkasindak

Bakit ang agos ay pilit nilalabanan

Matagal mo nang alam kung saan ka dadalhin

Bakit buhangin ay pilit kinakapitan

Itatangay lang iyan ng ihip ng hangin

Gising gising

Naliligaw sa landas na tinatahak

Gising gising

Hanggang kailan alipin ng pagkasindak

Whoa yeah

Bakit tuloy-tuloy ka pang nahuhulog

Nananaginip ng gising (Nananaginip ng gising)

Bakit hanggang ngayon ika’y natutulog

Mga pangarap na ligaw (Ligaw sa hangin)

Bakit ba tuloy-tuloy tuloy-tuloy tuloy-tuloy

(Bakit ba tuloy-tuloy-tuloy)

Matagal mo nang alam

Gising gising

Dapat mo nang pigilan ang iyong pagbagsak

Gising gising

Masasagip ka ba ng bali-baling pakpak

Gising gising

Gising gising

Gising gising

Kailan mo imumulat ang iyong mga mata

Advertisements